Kakaibang Putahe
Ulat Ni: Lia Mañalac
Nov.6, 2007
The following is the unedited script I wrote for my first-ever Reporter’s Notebook.
DITO SA TINATAWAG NA “THE MANSION” MADALAS MAY HANDAAN…
PARANG BLOCKBUSTER NA SINENG INAABANGAN ITO NG MGA KABATAAN.
SI EM ANG KADALASANG TAGALUTO-
ESPESYAL DAW ANG INGREDIENT NA INIHAHALO NIYA SA MGA PAGKAIN KAYA’T BINABALIK-BALIKAN ITO.
ANG MARIJUANA.
UPSOT: “EM”
Ginagawa namin yan. (CUT TO) mas potent siya, mas matagal amats kesa sa hinihithit… matagal amats hangga’t di mo tinatae- amats ka pa rin
(TRANSITION)
TAONG 1970’S NAUSO ANG MARIJUANA FOODS.
MGA KARANIWANG PAGKAING HINAHALUAN NG ILEGAL NA DROGA NA MARIJUANA-
PINAKASIKAT SA MGA ITO NOON ANG BROWNIES.
UPSOT: BRO. CLIFFORD SORITA, SOCIOLOGIST
Unang hataw pagbenta may stigma, turn off agad pag out in the open kaya dinedesynthesize ka… in small dosage pero addict ka na pala
ILEGAL SA PILIPINAS ANG PAGGAMIT NG ILEGAL NA DROGA.
PERO SA IBANG BANSA KUNG SAAN
LEGAL ANG PAGGAMIT NG MARIJUANA- LANTAD ANG MGA WEBSITES NA MAY MGA TINATAWAG NILANG MARIJUANA RECIPES.
MAY MILKSHAKE NA MAY MARIJUANA, KAPE NA MAY MARIJUANA…
AT ULAM NA MAY MARIJUANA.
UPSOT: “EM”
May napanuod kaming video o, pwede pala sa brownies. Subukan nga natin, expirement kumbaga. Nakagawa na kami ng spaghetti spaghetti sauce, hamburger patty, kahit anong pwedeng itago.
MADALI LANG DAW GAWIN ANG MARIJUANA FOOD-
SABI NI EM- KAHIT ANONG PAGKAIN, PWEDENG HALUAN NG MARIJUANA.
PINAKA-HIT RAW NGAYON SA MGA ITO AY ICE CREAM.
UPSOT: “EM”
Pag ice-cream kase hindi halata malamig, creamy. Lasang-lasa basta matamis mas masarap
(TRANSITION)
SI KG- DI NIYA TUNAY NA PANGALAN…
MADALAS NA UMORDER NG MARIJUANA FOOD.
UPSOT: “KG” (ABOUT WHY SIYA BUMIBILI, WHY PARTY FOODS WITH MARIJUANA)
NGAYONG GABI- SPAGHETTI’T ICE CREAM NA MAY MARIJUANA ANG INIHANDA NINA EM AT KG…
KAPANSIN-PANSING NAGKAHIYAAN PA ANG MGA KABATAAN SA PAGKAIN NOONG UNA…
PERO MAYA-PAYA PA DI NA RIN SILA NAKATIIS.
NAGSAYAWAN NG MAKUHA ANG HANAP NA “HIGH”.
UPSOT LIA:
IPINASURI NAMIN DITO SA LABORATORY SERVICE NG PDEA ANG PAGKAING MAY MARIJUANA.
AT SABI NILA SA BIGLANG TINGIN DI MADALING MATUKOY KUNG MAY ILEGAL NA DROGA NGA BA ITO O WALA.
MATAPOS ANG DALAWANG ORAS NA PAGSUSURI NG MGA CHEMIST…
LUMABAS NA POSITIBO NGA SA MARIJUANA ANG SPAGHETTI AT ICE CREAM NA INIHANDA NINA EM AT KG.
UPSOT: MRS. BELEN BANOG
FIRST TIME KO MAKAKITA NG SPAGHETTI AT ICE CREAM… KADALASAN CAKE.
NUNG TINIGNAN KO KSE PARANG HERBS LANG YUNG SA SPAGHETTI AND YUNG SA ICE CREAM PARANG CHOCOLATE LANG
ALAM NG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY ANG MODUS OPERANDING ITO NG MGA MARIJUANA USER…
UPSOT: LIA
SIR ALAM NYO PO BA NA HINAHALUAN NA NG MARIJUANA ANG PAGKAIN?
UPSOT: DIR. GEN. DIONISIO SANTIAGO
YES WE ARE AWARE. (CU) in liquid form nman minimix nila, minsan parang liver spread… ginagamit na parang tea.
BUKOD SA NAGAGAYA SA IBANG BANSA-
NAGTATAAS DIN DAW KASI ANG PRESYO NG SHABU KAYA’T HUMAHANAP NA NG MGA ALTERNATIBONG PARAAN ANG MGA ADIK PARA MAPANITILI ANG BISYO.
SOT: LIA
Di po ba mas mahirap na tugisin yung ganun dahil you wouldn’t know kung nasa pagkain na nila?
SOT: DIR. GEN. DIONISIO SANTIAGO, PDEA
Paghuli mahirap, unless you have specimen. When people do this act pinaplano na nila. Pagkain ng sandwhich normal yun e. smoking easily identifiable, para ndi obvious kaya ganyan ginagawa nila
BAGAY NAMANG KINUMPIRMA MISMO NG CHIEF CHEMIST NG PDEA.
UPSOT: MRS. BELEN BANOG
MAHIRAP UNLESS YOU TEST IT
SABI NINA EM AT KG- KAHIT IWAS HULI TALAGA ANG PAGKAIN NG MARIJUANA FOOD KAYSA LANTARANG PAGHITHIT NITO…
UPSOT: EM
DI PA NAHUHULI, PAG NIRAID NILA DI NILA ALAM MAGMUMUKHANG TANGA LANG MGA PULIS NA YAN
UPSOT: KG
NAHULI NA PERO NAAAREGLO NAMAN MGA PULIS E
PERO SABI MISMO NG MAY AKDA SA DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002 NA SI DATING SENADOR TITO SOTTO-
DETALYADO ANG BATAS.
AT SAKOP NITO ANG PAG-USBONG NGAYON NG MARIJUANA FOODS.
UPSOT: TITO SOTTO
CATCH ALL YUN E
SA ILALIM NG DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002-
LABAG SA BATAS ANG MAGBENTA, GUMAGAMIT AT MAGTULAK NG ILEGAL NA DROGA.
PATI ANG PAGPAPAGAMIT SA ISANG LUGAR PARA SA MGA POT SESSION- MANANAGOT.
UPSOT: TITO SOTTO
PREVENTIVE EDUCATION DAPAT
SABI NI KG- FOR MEDICAL PURPOSES ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA MADALAS UMORDER NG MARIJUANA FOOD…
PERO AYON SA MGA EKSPERTO-
HINDI MABUTI KUNDI MASAMA PA ANG EPEKTO NG PAGGAMIT NG MARIJUANA…
UPSOT: MRS. BELEN BANOG
PAG CHRONIC USER KAHIT IN A MONTH’S TIME MASISIRA ANG ULO MO… PYSCHOTIC.
ANG MASAMA DI RIN NAMAN NABABAWASAN ANG EPEKTO NG ILEGAL NA DROGA KAHIT PA IHALO ITO SA PAGKAIN.
NAG-HAHALUCCINATE AT NAKAKAISIP NG KUNG ANU-ANONG BAGAY ANG ISANG TAONG NAKAKAIN NG PAGKAING MAY MARIJUANA…
TULAD NG MGA KWENTO NINA EM AT KG…
UPSOT: EM
May one time bday, sa cake. Lupit nga eh. Namanhid legs ko, binti pati arms pero nakapagdrive pa naman ako. Masisira tiyan mo later on, yung iba nakakaimagine ng impyerno.
SABI NI DEAN FELIX ASPRER, ISANG COUNSELOR SA MGA KABATAANG GUMAGAMIT NG ILEGAL NA DROGA-
STARTER DRUG KUNG TUTUUSIN ANG MARIJUANA. KAYA’T MAHALAGANG DITO PA LANG- MATIGIL NA ANG BISYO NG ISANG TAO.
UPSOT: DEAN FELIX ASPRER
DAPAT MAPIGIL NA KASE MASAMA NA PAG HINAHALO NA SA KUNG ANU ANO LALO NA SA ALCOHOL
UPSOT LIA:
HINDI KA BA NATATAKOT SA GINAGAWA MO?
UPSOT EM:
NATATAKOT E MASAYA EH. ALANGAN NAMAN ISIPIN KO MUNA YUN. ITITIGIL KO NAMAN E DI KO LANG ALAM KUNG KELAN
UPSOT: KG
IF MAY SIMILAR SOT
PANGARAP NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON ANG MAGKARON NG ISANG DRUG-FREE PHILIPPINES PAGDATING NG TAONG 2010…
KAYAT SERYOSONG BANTA ANG PAG-USBONG NG ALTERNATIBONG PARAAN SA PAGGAMIT NG ILEGAL NA DROGA TULAD NG PAGHALO NITO SA PAGKAIN.
HALOS TAON NA RIN ANG BINILANG NG LABAN NG PAMAHALAAN AT NG LIPUNAN SA PROBLEMANG ITO…
PERO SABI NGA NILA- HANGGA’T MAY BUMIBILI, MAY MAGBEBENTA-
KAYA’T ANG PROBLEMA, DI NATATAPOS AT TILA LUMALAKI PA.
AKO SI LIA MAÑALAC AT ITO ANG NAKATALA SA AKING REPORTER’S NOTEBOOK.
**Actually I wasn’t able to see my own episode. I was then on my way back home from Isabela. And honestly the episode wasn’t my best. I feel much could have been done.
But to those who took the time to watch it, thanks! =) We registered 9.7 in ratings that night! My segment producer Erma said that was quite high considering the time slot =) Thanks, thanks again!
11.11.2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi all
http://www.tor.com/community/users/centpingprimet1981
http://www.tor.com/community/users/distlongbovy1978
http://www.tor.com/community/users/ceslimatdia1983
http://www.tor.com/community/users/vorszilheter1979
http://www.tor.com/community/users/worlikoobitt1976
Post a Comment